Haleeer Baleeer!!

Excited! Yan ang unang pumasok sa isipan ko nang yayain ako mag Baler ni ate shix. Early October yun at nag simula rin kami maghanap agad ng matutuluyan, pati kung magkano aabutin ng gastos. Kailangan na kasi namin mag book ng accommodation, sakto pa naman na natapat sa long weekend kaya inasahan namin na mahihirapan kami mag book. Ayun nga, kahit 5 lang kami 2 magkaibang accomodations tuloy kami.

 
12 MN kami umalis sa Cubao Station ng Genisis Bus. 6-7 hours ang travel time mula cubao hanggang sa may Baler, Quezon. Pero kung gusto niyo ng mas mabilis at mas “swabe” na biyahe Joy Bus dapat ang sakyan niyo. 5-6 hours lang ang biyahe. Walang stop over at may CR sa loob, meron din blanket, bottled water at mas comfortable talaga ang upuan. Yun nga lang kailangan 1 week in advance pag book ng ticket.

 

Sa experience ko sa Genesis bus, hindi siya ganon ka-kumportable, bukod sa matagtag yung daanan papuntang baler eh ilang beses kami nasiraan ng bus kaya naging 9 hours yung biyahe namin! Sobrang hassle di ba? Parang sa biyahe pa lang medyo napagod na agad ako sa trip. Pero Excited pa rin! Nag pa book na rin kaagad kami ng joy bus na ticket pagkababa mismo namin sa terminal ng Genesis. Buti na lang may 5 slots pa na available for 1 pm na trip kinabukasan.

 

Nag rent na lang kami ng tricycle para ihatid kami sa mga tutuluyan namin at sila na rin ang nag tour sa amin sa mga pwedeng puntahan sa Baler. Nag check-in muna kami sa kanya-kanyang rooms para makapahinga muna at mag freshen up na rin. Brunch muna kami sa Costa Pacifica Resort kung saan nag stay yung 3 kasama namin.

SAM_0215

Wooh! Lunch!

After ng lunch, nag picture at nag libot muna sandali sa resort. Na in love ako kaagad sa lugar pati nang view. Sobrang “homey” yung pakiramdam. Sarap mag relax at hindi gaano maraming tao kahit pa long weekend siya.

Fotor0425174147

Costa Pacifica

Baler Tour

Binisita rin namin yung bahay ni Pangulong Manuel Quezon. Sa kanyang asawa na si Donya Aurora Quezon, sa kanya pinangalan ang probinsya ng Aurora kung saan matatagpuan ang Baler.

Fotor0425175020

Quezon House and Museo de Baler

 

Next Stop Balete Tree or the Millenium Tree

Pwedeng umakyat pataas kasi may mga guides naman na aalalay, ang kaso lang hindi ko ito nagawa. Pero yung dalawa namin kasama sinubukan nilang akyatin. Mula sa loob ang daan paakyat, pero sa labas ng puno naman ang daan palabas.

Millenium Tree

Millenium Tree

 

Ditumabo Falls or Mother Falls

Isa pa sa magndang puntahan sa Baler ay ang Mother Falls or ang Ditumabo Falls. Kasama yung guide/tricycle driver 30 minutes trekking ang ginawa namin.  Tawid sa ilog, Akyat sa mga malalaking bato, Tawid sa mga kawayan na tulay. Sobrang nakakapagod lang pero adventure pa rin namin. Pagdating sa Falls, isa lang nasabi ko ang lamig lamig ng tubig! (nirayuma yata yung isa naming kasama dahil sa sobrang lamig.

Trek to Mother Falls

Trek to Mother Falls

 

Sobrang linaw ng tubig, medyo color blue at habang papalit ka ng papalapit sa falls makikita at mararamdaman mo yung bagsak ng tubig. Saglit lang kami sa falls kasi hindi namin kinaya yung lamig ng tubig saka medyo hapon na rin naisip namin na hindi matapos yung tour.

1378820_10151948041868209_1313111441_n

Mother Falls!

Last stop nung tour ang Ermita hill.

Sabang Beach Baler

Sabang Beach Baler

 

Ayon sa kwento ng guide namin, makikita ditto ang isang statue ng isang pamilya na paakyat upang tumakas nang magkaroon ng tsunami sa baler ilang daang taon na nakakaraan. Sa Ermita hill rin matatanaw ang buong Sabang Beach ng Baler. Dito ang Surfing spot sa Baler.

 

Ermita hill

 

Pagkatapos ng tour, eh nag pahinga muna kami sandali, naligo at kumain agad kami ng dinner dahil sa sobrang kagutuman sa tour.  Kaarawan din nung isa namin kasamahan kung saan siya ang nanglibre ng halos lahat ng gastos namin sa pag stay namin sa baler (accommodation at pamasahe lang sagot ko). Na pag usapan namin na 8 am ng umaga kinabukasan kami mag surf. Hindi kumpleto ang pag punta mo sa Baler kung hindi ka atleast nag aral at nalalaglag sa surfing board.

Kinabukasan ng umaga..

Breakfast muna bago ang surfing lessons. 1 hour lang ang surfing lessons for 350 pesos kasama na yung nagututuro per surf board. Ang mura di ba? Pwede na!. Ilang hulog sa surfing board din ang naranasan namin, hanggang sa sumuko na kami! Hahahaha! Kaya binawi na lang namin yung frustrations namin sa pag swimming sa pool nung hotel at sinusulit lang din namin yung oras bago kami umalis.

Surf Time!

 

Pagkatapos noon, nag empake na kami at nag early lunch sa bays inn katabi ng Costa Pacifica pagkatapos noon, bumili kami ng mga pasalubong agad dahil 1 pm dapat ay nasa bus terminal na kami.

Lunch at Bays Inn

Lunch at Bays Inn

Bago kami umalis ng Baler, nag promise kami na babalik kami next year (2014) para mag surfing ulit! Hopefully! *finger-crossed*

20131027_090729

 

Advertisements
Aside

Naaalala ko yung…

Naaalala ko yung tao na..nagbibigay sa akin ng barya kapag wala akong pamasahe pauwi.. Pero sa totoo lang nangungulit lang ako at nag papatagal lang para sabay din kami uuwi.

Naaalala ko yung tao na.. pagtatawanan pa rin namin yung joke ng isa’t isa kahit mayroon kaming “away”.

Naaalala ko yung tao na.. kasama kong manuod ng downloaded or dvd movies  at papanoorin namin tuwing gabi sa laptop at dvd player.

Naaalala ko yung tao na.. sasamahan akong bumili ng groceries ko once a month na hindi nag rereklamo sa tagal kong mamili.

Naaalala ko yung tao na.. tatawagan ako sa gabi, bago siya matulog, kapag hindi niya ako naihatid sa bahay or kapag hindi kami nag kasabay sa pag uwi.

Naaalala ko yung tao na.. never napikon sa mga biro ko, pero kapag ako ang inasar niya ang dali kong mapikon.

Naaalala ko yung tao na.. pinipilit niya maging malakas kahit sa loob loob niya na pinaghihinaan na rin siya ng loob.

Naaalala ko yung tao na.. pipigilan akong uminom ng beer kapag madami na akong naiinom, at siya na lang ang iinom nung sa akin, kahit sa totoo lang na mas malakas pa akong uminom sa kanya ng beer.

Naaalala ko yung tao na.. nabibilib ako kapag naglalaro siya ng basketball kahit hindi mo mahahalata na may galaw talaga siya kung maglaro.

Naalala ko yung tao na.. sinasayawan ako ng hindi ko malaman kung anung step ba iyon, pero alam kong enjoy siya at napapatawa niya ako kaya ginagawa pa rin niya.

Siguro ay naalala ko siya ng sobra ngayon.

MISSING someone is a part of loving them. If you’re never apart, you’ll never really know how strong your love is.
– Anonymous

Back to Back Celebrations!

One of the Reason why I’m “Busy” last February..

James, Ping and PJ

James, Ping and PJ

Yep! been watching all the playoff games of the San Mig Coffee Mixers for the whole month of february. And they won again in the Finals. Make that Back to back Champions. They won the Governors Cup Last October and this time they won the All Filipino Cup (without an import) . I rarely post anything on my blog about basketball, but to tell you frankly I’m an avid Fan of the Game. I learn to play basketball when I was 8 years old because of the influence of my father and two older brothers and I used to be a varsity player during my highschool days. I like the old Purefoods team of the Alvin Patrimonio and Jerry Codinera era. then for I time I stop watching, then became an avid fan again 10 years ago because of James Yap. I had a huge crush for James way back his UAAP- UE Red Warrior days then he was selected by Purefoods and the rest as they say was history. I’ve been following him (basketball and love life :D)  and the Purefoods/B-meg/San Mig Coffee Team. I try to watch all of their games on TV or if any chance live. I only miss less than 30 games since 2004 that is how I’m addicted to him/them. 🙂

Byaheng Bonifacio Trails.. (Third Part)

Halos magkaibang araw namin pinuntahan ang dalawang sites na ito para makumpleto ang byaheng bonifacio. Una namin pinuntahan ang Pamitinan Cave sa may Rodriguez, Rizal.
Maaga kami nagkita ng kasama ko, para hindi kami tanghaliin. Sa Cubao kami sumakay ng fx na biyaheng Rodriguez. Medyo na traffic kami kaya halos isang oras ang biyahe namin. Nagtanong kami sa fx driver kung saan kami pwede sumakay papunta sa Pamitinan Cave. Isa pang jeep ang sinakyan namin tapos isang tricycle. Nagtanong kami sa Municipal Hall kung paano kami makakarating sa mismong cave, sinamahan naman kami ni kuya,(sorry nalimutan ko na pangalan niya) gumamit pa kami ng balsa para tawirin ang ilog. Sa isip-isip ko pa nga, mababaw lang nman ito tska kaya tawirin dahil sa malalaking bato, yun pala 14 feet ang lalim nito sabi ni kuya bangkero. At hindi pa pala natatapos don yung “thrill” kasi aakyatin mo sa mababatong daan yung mismong Pamitinan Cave.

Hingal at pagod ang inabot namin pag akyat, (hindi kasi namin akalain na ganoon pala ang mararanasan namin). Sa mismong cave na ito sila pala unang nag tipon ang ilang kasamahan ni Andres Bonifacio para ideklara ang rebolusyon laban sa mga Kastila. Dito sila nagkaroon ng Blood Compact. Ngayon, may padlock yung cave kaya hindi makakapasok ang mga tao.

P1050743

 

P1050742

Naging kampo rin ito ng mga hapon noong Pangalawang Digmaan Pandaigdig. Kaya makikita mo sa itaas ang isang signage na may Japanese Characters.

P1050752

 

Sumenti saglit. Hahaha. Tanaw tanawa diyan yung ilog at yung mismong Wawa Dam.

Naisip ko ganito kalayo ang nilakad noon nila Andres Bonifacio at ilang katipunero para nga naman maitago ang pagbuo ng kanilang kilusan na Katipunan.

Saglit lang kami nag stay kasi kailangan pa namin bumiyahe papunta Cavite para sa isa pang site. Sumakay ulit kami ng Fx papunta naman sa may Santolan Station ng LRT-purple line. Doon na kami kumain ng tanghalian namin. Pagkatapos ay bumiyahe kami mula Santolan Station hanggang Recto Station para doon sumakay ng jeep papuntang Lawton tapos bus ulit papunta ng Maragondon Cavite.Kaso lang dahil sa medyo hapon at kumulimlim na eh hindi na namin tinuloy ang pagpunta pa sa Execution Site. Nag merienda na lang kami at bumiyahe pabalik sa manila para mag simba.

Lumipas ang ilang araw.. Nagkita kami ng maaga ng kasama ko para kumpletuhin na nga ang huling site. Ang Bonifacio Execution Site sa Maragondon, Cavite. 6 am ang call time namin, target namin ay before lunch time ay matapos nanamin dahil papasok pa yung kasama ko sa trabaho. Nakarating kami sa Cavite ng bandang 9 ng umaga, dahil sa traffic sa may bandang coastal road.

Kinausap muna namin ang nagbabantay sa may Trial House kung pwede ba kami samahan sa Execution Site. Kaso hindi siya pwede dahil walang maiiwan na magbabantay sa Trial House. Pumunta na lang kami sa Munisipyo para magtanong kung sino ang pwede mag guide sa amin (may naka-assign na tao talaga na magsasama sa mga taong pupunta sa site, kaso nalimutan ko lang yung pangalan ni kuya.) Ayun nga, 10 am nag simula muna kami tumawid sa isang hanging bridge, sumakay na kami ng tricycle sa bako na bako na daan, at talagang puro maliit na bundok at puno lang ang makikita mo. Feeling ko nga ay dulo na siya ng Cavite. After 20 minutes, nag simula naman kami lakarin papunta sa Site. At masasabi ko lang na nakakapagod siya! Pinagpawisan ako sa paglalakad at pag trek sa lugar. Para akong ng lose ng pounds sa layo ng lakad at kaya ng pigaan yung suot ko na damit.

P1050832

Ito yung hanging bridge na tatawirin muna, bago sumakay ng tricycle.

P1050796

 

Bumungad din pala sa akin ang isang magandang view na nakakatanggal kahit paano ng pagod sa pag trek. Sobrang ganda at malinis di ba?

Pagkarating mismo sa Site, worth it naman talaga ang pag trek. Sa lugar na ito dinakip at pinatay ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio.

P1050798

 

 

 

Nasabi na lang namin sa mga sarili namin na “Sa wakas!” ay natapos na rin namin yung Byaheng Bonifacio. May kakaibang ngite at sense of accomplishment sa ginawa namin.

P1050801

Ayan, halata pa yung pawis, hingal at pagod namin sa pag punta dito. 🙂

P1050823

After ng ilang pictures. Bumalik na kaagad kami sa Munisipyo, nakaramdam na kasi kami ng gutom dahil hindi pa kami nag breakfast. Kaya kumain kami sa isang restaurant para duon na rin mag lunch at mag freshen up, bago bumiyahe pabalik sa maynila.

Dahil sa pagod, nakatulog kami sa biyahe. Hindi na rin pumasok yung kasama ko.Dumirecho at  pina-print namin yung mga pictures na kinunan namin kanina, dahil sabay na rin namin ito i-susubmit sa NCHP. Actually, madaming side stories ang nangyari bago namin napasa.  (muntik na hindi namin na pa print kasi hindi mabasa sa print shop yung file ng pictures) Buti na lang, bago mag 5 pm ng hapon ay umabot kami sa pag pasa. Pang 68 at 69 kami sa nakatapos ng tour out the first 100.

Ano nga ba ang makukuha namin as “prize” pag natapos yung tour? Ang nakuha namin ay isang tshirt, libro ni bonifacio, baller at certificate.

1391946_10200934430711413_1471544690_n

Ito yung tshirt. sa harap nandun yung logo ng DOT na Its more fun in the Philippines. Sa likod naman yung mismong trails na ginawa namin mula Manila, Cavite at Rizal.

Ayun, sobrang experienced talaga. Pati nagkaroon rin ng chance na maging close ko yung kasama ko. Ang dami namin na pag-usapan na mga bagay at realization about life, love, relationship, work, at yung paborito namin palabas. Siguro this year, susubukan naman namin gawin yung kay Apolinario Mabini.

2013: A Year of Serendipity..

January – Post Christmas chikan with my “ate’s” sa dati kong work. Ayun, nalaman na nila ang mga istorya, ang mga tanong na gusto na nilang malaman at itanong sa akin.. Hindi sympre maiiwasan na mapagalitan pero ok lang naman sa akin, mukhang mas malaki ang na gained kong respect mula sa kanila at mas lumalim pa ang pagiging magkakaibigan namin.
Febuary – Finally!.. a new job. Hindi ko man inexpect pero a BIG welcome development for me. Kumbaga sa kanta ng high school musical, Start of Something New..
March – Dahil sa new work, malakas na ulit ang loob mag lakwatsa. Hahaha! Pumunta kami sa bahay ng Author namin sa laguna, kasama ang mga “boss” ko at family nila sa dati kong work. Ngayon ko lang sila ulit nakita after 15 months.. Nag shopping lang kami sa ukay-ukay sa San Pablo at saka nag shopping naman kami ng shoes sa Liliw. Hindi ko makakalimutan sa trip? Yung masasarap na food sa bahay ni mam nene at ang pag overnight kasama sila. Bale, dito nag simula ang closeness namin ng dati kong boss.
April – One of my first project sa work. Kahit paano eh nairaos ko naman, kahit nagkaron ng konting problem.
May – Our Zambales Escapade with my college classmates! First time na kasama sila, first time din na sobrang budget-trip yung lakwatsa nay un, first time din na matulog sa tent at hindi makatulog dahil sa sobrang init at ingay ng ibang tao na nasa island na rin nay un. Nag outing naman kami sa work sa may subic,wherein nag perform ang mga bagong employees sa harapan ng madaming tao. Waaaah! Experienced kung experienced!
June – busy busy month sa work! Sobrang daming activities dahil 40th anniversary namin. Halos every week meron activities na pinaghahandaan. Pero kumbaga work and leisure naman kaya ok na rin. Tuwing weekend rin, sinumalan namin nung dati kong boss na gawin yung Byaheng Bonifacio para sa 150th birth anniversary ni Andres Bonifacio.
JulyBirthday month!! Kapag birthday ko may “moments” ako sa sarili ko.. yung tipong ayaw ko maki pag communicate sa lahat ng tao, kung gusto niyo akong kausapin kayo ang mauuna dapat. Nagiging sensitive at emotional ako bago at pagkatapos ng birthday ko. Pero isa sa mga highlights eh yung pag celebrate ko with my former officemates turned support group/friends ko. Para sa akin, eh nagkita-kita kami ulit. Sobrang Thankful ako sa talaga sa kanila. At saka may nag papansin na someone from the past.
August– petiks mode sa work noon, sa life sa kahit ano.. dahil sa sobrang busy ko ng june at july, para akong nag shutdown ng august. Kumbaga nag rerefresh muna ako. First Training ko rin sa work ko, 4 days kami nag stay sa tagaytay, nagging way yun para magkaroon ako ng mga bagong kakilala sa work. Nagkaron kami ng group. Bloated Socials. Sa sobrang daming food during the training, feeling bloated na kami tapos yung socials kasi gabi-gabi yung iba sa amin (mga boys) eh lagi nag iinuman sa gabi after training kaya yun, kinabukasan mga may amats. Nakabili na rin ako ng bago kong camera Samsung WB150f. (Yes! na ka move on na rin ako sa nawala kong camera). Umuwi na rin pala mula dubai ang ate ko kasama yung pamangkin ko after 6 years nila na pag stay doon.. kaya ayun, medyo kumpleto na ulit kami magkakapatid. Sa month pala na ito, napanood ko ang concert ng super crush at paborito kong si Top Suzara kasama si Jinky Vidal sa isang concert. Pumila rin ako para sa meet and greet nila. Ito lang ang concert na napanood ko for 2013 pero super worth it naman!
September – Kung ang mga Chinese ay may tinatawag na ghost month, ang buwan siguro na ito ang ghost month ko. Dumalaw kami sa puntod ng isa sa pinaka mabait na tao na nakilala ko, yung Author/Editor sa previous work ko.. 3rd Death Anniversary niya na kasi, kaya dumayo kami ulit sa San Mateo Rizal kasama ng mga dati kong kasama sa work. Para sa amin kasi sa ganitong simple na paraan na pag alala sa kanya eh masusuklian na ang kabutihan na pinakita niya sa amin.  Birthday month din ito ng mga taga-Social sa previous work ko, kaya ayun, kontak-kontak sa kanila at hindi pagpaparamadam sa isang tao. Bakit nga ba ghost month? Kasi panahon ito ng pagbabalik alaala sa mga tao na pilit ko ng kinakalimutan. Chos! 😉
October – Biglang Trip sa Baler, Quezon para sa birthday ng highschool friend ko at first time rin na makasama sila sa isang out of town. Experienced the long-rockyroad-night-bus trip again, 30 minutes trekking para makita ang isang magandang falls, mag beach ng October kahit hindi ko nasubukan mag surfing,  Pasensya na hindi ko pa rin na blog yung baler trip namin, medyo busy pa kasi, pero promise i-popost ko yun. Naging less din yung Social life ko nito. Dahil sa Championship games ng San Mig Coffee Mixers sa PBA at ng UST sa UAAP. Alternate kasi ang game dates nila at dahil mahilig ako sa basketball kaya lagi ako nanonood.
November – Busy Month! Daming meetings, paper works, transactions na dapat asikasuhin para sa First Event ko sa work. Kaya wala tuloy update sa masyado, at nag kasakit rin ako dahil sa sobrang pagod at stress. Nag plan din kami ng mga travel buddies ko kung anu ang gagawin namin for our chirstmas party and exchange gifts. Nagbunutan kaming 3 yes! Kaming 3 lang, weird di ba? Pero sobrang kulit lang. Start na rin ng bagong season ng PBA kaya kung hindi ako nag lalakwatsa eh malamang nanunuod ako ng laban ng San Mig Coffee Mixers.
December – My first successful book launching event. After gawa ng paper works tapos attend ng mga chirstmas parties kasama ang dati kong officemates. Sa recent job ko naman, dalawa ang chirstmas party. Grabe yun, bumabaha ng pagkain at puro videoke. Kaso lang, hindi ko na kumpleto this year yung Simbang Gabi. First Chirstmas din, na finally kumpleto ulit kami magkakapatid. Dahil nga kasama na namin ang ate ko na mula dubai, tapos yung kuya ko na nag wowork sa Malaysia, na laging umuuwi tuwing holiday, ayun nagkaron na kami ulit kami ng family shot. Nagbunutan din kami for the exchange gift at first time lang din na naging riot sa bahay kasi present ang lahat ng pamangkins at makukulit kong kapatid noong pasko.

Fotor010813314

Fotor010816134

So ayun, yan halos ang mga naging highlights ng 2013. Yung goal ko na mag post kahit 1 entry natupad naman pati yung pag post ko araw-araw sa twitter natupad rin. Gusto ko siyang i-describe as SERENDIPITY. Kasi unplanned halos lahat. Hinayaan ko lang siya na mangyari, “kung mangyayari-mangyayari kailangan mo lang maniwala lagi.” See you next year!

“Life is not merely a series of meaningless accidents and coincidences. Uh-Uh. But rather, it’s a tapestry of events that culminate in an exquisite, sublime plan”

“You don’t have to understand. You just have to have faith… faith in destiny…”

-Serendipity 2001.

My 2013 review!

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2013 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

A San Francisco cable car holds 60 people. This blog was viewed about 1,600 times in 2013. If it were a cable car, it would take about 27 trips to carry that many people.

Click here to see the complete report.